Napaulat na nakapuslit at nakaalis na ng Pilipinas ang iba pang top executives ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Sinabi ni PAOCC USec. Gilbert Cruz na kanilang minomonitor ang managers at POGO executives na walang rekord na umalis sa mga paliparan ng PH subalit napaulat na nakalabas na ng bansa.
Saad pa ng opisyal na hindi nila ma-account ang ilang pribadong paliparan na ipinatayo ng mga indibidwal. Napakarami aniya ng pantalan sa buong Pilipinas na legal at ilegal.
Kayat problema aniya ang mga hindi rehistradong pantalan kung saan ilan sa mga ito ay ipinatayo ng lokal na pulitiko.
Kaugnay nito, sinabi ni USec. Cruz na kanilang biniberipika kung ang pantalan sa Sual, Pangasinan ay rehistrado sa Philippine Ports Authority.
Kasalukuyan na namumuno bilang alkalde ng Sual, Pangasinan si Mayor Liseldo Calugay na ilang beses na nabanggit ang pangalan sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senado kaugnay sa pagtakas ni dimissed Bamban Mayor Alice Guo palabas ng bansa.
Kinumpirma din ng opisyal na mayroong business interests si Alice Guo sa Sual.