Dinagsa ng maraming tao ang selebrasyon ng Ibajay Ati-Ati Festival 2023.
Sinaksihan ng mga deboto ni Sr. Sto. Niño de Ibajay ang pilgrim’s mass na pinangunahan ni Bishop Corazon Talaoc ng Diocese of Kalibo.
Kasunod neto ang isinagawang float parade na pinasakupan ng mga barangay ng nasabing bayan.
Ang sariling bersyon ng selebrasyon ng kapyestahan ni Sr. Sto. Niño de Ibajay ay dinarayo ng mga deboto, bisita at turista dahil sa unique neto na mga parada at ang tradisyunal na sadsad sa kalye.
Eto ay matapos na purong native ang mga custome na makikita sa mga tribu at grupo na nanggaling pa sa ibat-ibang mga barangay.
Una na rito, naging bisita si Vice President Sara Duterte-Carpio sa nasabing kapyistahan kung saan isa siya sa mga naging hurado sa kompetisyon sa sad-sad sa kalye ng mga nagpasakop na grupo at tribu.
Mahigit sa 200 naman na augmented PNP personnel ang nagpasiguro sa seguridad ng mga merrymakers maliban pa sa numero ng ibang force multipliers para magkaroon ng mapayapang selebrasyon ng Ibajay Ati-Ati Festival 2023.