Hinimok ng limang senador mula sa America ang gobyerno ng Pilipinas na ibasura na ang mga kaso na kinakaharap nina Sen. Leila de Lima at Rappler CEO Maria Ressa.
Sa isang bipartisan resolution na kanilang inihain noong nakaraang linggo, kinondena nina
US senators Edward Markey (Massachusetts), Marco Rubio (Florida), Richard Durbin (Illinois), Marsha Blackburn (Tennessee), at Chris Coons (Delaware) ang human rights violations sa Pilipinas.
“The Senate calls the government of the Philippines to immediately release Senator De Lima, drop all charges against her, remove restrictions on her personal and work conditions, and allow her to fully discharge her legislative mandate, especially as Chair of Committee on social justice,” bahagi ng resolusyon.
“[It] urges the government of the Philippines to guarantee the right to the freedom of the press, and to drop all the charges against Maria Ressa and Rappler,” dagdag pa nito.
Ayon kay Durbin, patuloy daw na hindi ginagalang ng Duterte administration ang aspeto ng fundamental freedoms at karapatang pantao.
Kaya sa pamamagitan daw ng kanilang inihaing resolusyon ay hinihimok nila ang gobyerno ng Pilipinas na palayain na ang mga political prisoners, kabilang na si De Lima, at mga mamamahayag na kinulong dahil sa umano’y bogus charges.