-- Advertisements --
EDSA Traffic
EDSA

LEGAZPI CITY – Hinamon ng isang mambabatas ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na patunayan sa dry run ng provincial bus ban kung talagang mababawasan ang traffic sa EDSA.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., kung hindi kasi umano matupad mas maigi nang abandonahin ang polisiya.

Tahasan pang sinabi ni Garbin na luho lamang ang nasabing polisiya.

Dagdag pa ng mambabatas na naghain na rin ng kaso sa Korte Suprema kontra dito at na-raffle na kasabay ng pag-file ng urgent motion para sa Temporary Restraining Order (TRO) sa hakbang ng MMDA.

Giit din na walang karapatan ang MMDA at tanging ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) lamang ang may poder sa pagtanggal ng permit at prangkisa ng mga provincial bus terminal.

Wala rin umanong karapatan ang mga ito na ipasara ang isang terminal lalo na kung wala namang paglabag.