Pinaigting ng iba’t ibang ahensya katuwang ang lokal na pamahalaan ng Tapiz ang kanilang kampanya upang tuluyang malabanan ang illegal recruitment at trafficking in persons sa mga Pilipino.
Ito ay matapos lagdaan ng Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administrator, Department of Labor and Employment, Technical Education and Skills Development Authority at Munisipalidad ng Tapaz ang isang Convergence Memorandum of Agreement (MoA).
Layunin ng nasabing kasunduan na maprotektahan ang ating kababayang Overseas Filipino Workers upang hindi sila mabiktima ng mga krimen, para mabigyan ng suporta at proteksyon ang mga biktima, mapataas ang kamalayan ng publiko at mahikayat silang i-report sa mga ahensya ang mga kahina-hinalang aktibidad.
Samantala, ang nasabing seremonya ng pagpirma ay pinangunahan ni Capiz Mayor Roberto Palomar, kasama si Overseas Workers Welfare Administration Administrator Arnell Ignacio, Department of Migrant Workers Regional Director Glenda Aligonza, Technical Education and Skills Development Authority Provincial Director Rick Abraham, gayundin si Department of Labor and Employment Representative Mary Medina at si Assistant Secretary for Licensing and Adjudication Services Francis Ron De Guzman.