Malakas umano ang paniniwala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ginagamit ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang Philippine International Trading Corp. (PITC) upang makaligtas sa kanilang obligasyon na ibalik sa treasury ang mga pondong hindi nila nagagamit.
Sinabi ni Drilon na imbes daw kasi na ibalik ng mga ito sa General Fund ang pera na hindi nila nagastos ay dinedeposito na lamang ito sa PITC kung kaya’t bilyon-bilyong pondo ang natutulog lamang sa bank account ng PITC.
Kapag napatunayan na totoo ang mga alegasyon ni Drilon laban sa PITC, ay magbibigay linaw ito kung bakit patuloy na nakakatanggam ang nasabing kumpanya ng procurement requests mula sa mga client agencies nito sa kabila ng napakalaking backlog.
Isa rito ang misteryo na bumabalot sa napag-alamang cash deposits na natanggap ng state-run trading company na lumobo na sa P33 billion noong 2019.
Una nang sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, na siya ring chaiperson ng PITC, na sinimulan na nilang ipadala ang mga requests ng ilang government offices.