LEGAZPI CITY – Tiniyak ng ilang opisyal ng Simbahang Katolika ang pagsunod sa mga precautionary measures kaugnay ng pag-iwas sa Coronavirus Disease (COVID-19) ngayong Miyerkules de Ceniza.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Diocese of Legazpi Social Action Center director Fr. Rex Arjona, may kaunti lamang na pagbabago na batay sa rekomendasyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Imbes kasing pagkrus sa noo ng abo, ibubudbod na lamang sa bumbunan ang abo na maaring isagawa ng mismong pari o lay minister.
Antiseptic practice umano ang mangyayari sabayan pa ng pag-iwas sa paghawak sa mga santo, pagkakapit-kamay sa kantang “Ama Namin” at iba pang hakbang.
Dahil inaasahan ang pag-uwi at pagbakasyon ng ilan sa Albay, nagpaalala ang pari sa pagpapanatili ng proper hygiene upang makaiwas sa anumang sakit.
Ang Ash Wednesday ng hudyat ng Kwaresma, paggawa ng kabutihan sa kapwa, pag-aayuno at pagsasabuhay ng mga sakripisyo ni Hesus upang mailigtas ang mga tao mula sa kasalanan.