-- Advertisements --

Pinapatigil ng China ang mga bansang nagnanais na makialam o humadlang sa kanilang plano para sa tungkol sa national security legislation ng Hong Kong.

Sa pahayag na inilabas ng tagapagsalita mula ministry’s Office of the Commissioner sa Hong Kong, hinikayat nito ang mga bansa na respetuhin ang soberanya at seguridad ng China.

Kamakailan lamang nang ianunsyo ng China’s National People Congress ang kanilang binabalak na ipatupad ang naturang lehislatura sa Hong Kong.

Ang batas na ito ay magbibigay pahintulot sa mga Chinese authorities na magtayo ng mga agency at gawin ang kanilang tungkulin sa rehiyon.

Una nang nagpahayag ang Estados Unidos ng kanilang pagtutol sa Beijing. Naglabas na rin ng joint statememnt ang Britain, Australia, at iba pang bansa hinggil sa isyu.