NEW ORLEANS – Kanya-kanyang diskarte ngayon ang ginagawa sa iba’t-ibang lugar sa Estados Unidos, partikular na sa central at east coast para labanan ang heat wave.
Sa New Orleans, pumalo sa 120 degrees Fahrenheit ang heat index, habang sa Boston naman ay 100 degrees Fahrenheit.
Sa New York City, hinabaan na ang oras ng operasyon ng mga resort para marami ang makapag-enjoy at mapawi ang matinding init.
Sa Miami at Arkansas, mas pinipili ng ilan na manatili sa loob ng bahay, kung may cooling system kaysa gumala sa mga daan.
Ang dating New York Giants offensive lineman na si Mitch Petrus ay isa sa mga sinasabing biktima ng heat wave at dumanas ito ng heat stroke habang nasa Arkansas.
Sa kasalukuyan, pumapalo na sa halos 200 million ang apektado ng matinding init ng panahon sa Estados Unidos. (CBS News)