-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nanguna ang ilang mga fraternity groups sa pagbibigay ng relief goods sa mga lumikas na residente sa bayan ng Alfonso sa Cavite.

Ito ay kasunod ng pagbuga ng abo ng Taal volcano.

Sa eksklusibong panayam ng Star FM Baguio kay Michael Manaig, miyembro ng isang fraternity council sa Silang, Cavite, ibinahagi nito na bumuo sila ng isang group chat sa Facebook para makalikom ng mga tulong at donasyon.

“Bale yung council ng Alfonso which is meron kaming group chat kasi, doon kami nag-uusap para kung ano man yung pwedeng maitulong, pwede naming ibigay, kung ano man yung makakaya nung bayan. Bayan is council kung aming tawagin. Bale yung ibang bayan ng cavite andun na yung iba eh. Nakapagdonate na sila. Tapos yung mga donations naming galing sa mga frats, sa mga phi, sa mga clans,” wika ni Manaig.

Sinabi rin nito na ipagpapatuloy pa rin ng mga grupo ang kanilang ginagawa hangga’t sa mayroong pa silang donasyong natatanggap.