-- Advertisements --

Magkakaibang gimmick ang ginawa ng mga mamamayan ng US, Mexico at Canada habang dumaan ang total solar eclipse nitong madaling araw ng Martes sa Pilipinas.

Sa Russellville, Arkansas, ay nagsagawa ng mass wedding bago ang total eclipse na tumagal doon ng mahigit apat na minuto.

Nagkaroon din ng magkabilaang wedding proposal sa iba’t-ibang bahagi ng US bago ang total eclipse.

Nagkaroon ng viewing party sa mga park ng Mexico at Canada para makita ang pambihirang total solar eclipse.

Kahit na may banta ng sama ng panahon ay hindi nagpatinag ang nasa 32 milyong katao na mga mamamayan ng Texas, Oklahoma, Arkansas, Missouri, Illinois, Kentucky, Indiana, Ohio, Pennsylvania, New York, Vermont, New Hampshire at Maine para makita ang total solar eclipse.

Nagdulot din ng pagbaba ng temperatura sa maraming lugar sa US noong kasagsagan ng total eclipse.

Habang ang ilang mga scientist ay nagsagawa ng mga pag-aaral sa kasagsagan ng Total Eclipse.

Muling magkakaroon ng total solar eclipse ssa Agosto 22, 2044 pero ito ay makikita sa North Dakota, Montana at northern Canada.