Nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo sa Chinese consulate sa Makati ngayong Araw ng Kagitingan para idipensa ang Pilipinas sa mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na layon ng rally nilang ito na ipakita na handa ang mga Pilipino na idipensa ang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ay para ipahiwatig din daw sa gobyerno ang kanilang pagkadismaya sa pagsuko ng Pilipinas sa mga patrimonial assets nito sa pamamagitan ng isang loan agreement sa China.
Para kay Zarate, dapat gamitin daw ng Pilipinas ang pagiging miyembro nito ng Asian Parliamentary Association at Inter Parliamentary Union para makalikom ng suporta sa international community para mahinto na ang militarisasyon ng China sa WPS/
“Other countries should be involved as well because they may be the next target of China’s bullying,” saad ng kongresista.