-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Isinagawa ang iba’t-ibang indignition rally sa Cordillera Administrative Region kasabay ng ika-51 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kahapon.

Sa Itogon, Benguet, pinangunahan ni Mayor Victorio Palangdan ang indignation rally laban sa mga komunistang grupo at nakibahagi dito ang Bureau of Fire Protection, DILG, PNP, barangay officials at mga volunteer stakeholders ng bayan.

Doon naman sa Tuba, Benguet, inihayag ng mga nakibahagi sa indignation rally laban sa CPP-NPA-NDF ang mahigpit nilang pagkondena sa mga gawain ng mga rebelde.

Sa Bontoc, Mountain Province, sinunog ang effigy ni CPP Founder Jose Maria Sison habang isinagawa ang “Walk for Peace” sa Poblacion, Tubo, Abra.

Nakibahagi ang 55 na partisipantes sa pangunguna ni Antonio Balderama, MLGOO, Barangay Officials, youth, religious sectors at iba pa ang indignation rally sa Tayum, Abra.

Nagsagawa naman ang mga Iyapayao sa Apayao ng indignation rally bilang pagkondena sa karahasan ng mga kalaban ng bayan.

Ginanap din ang indignation rally sa harapan ng Luna Municipal Office at nakibahagi din ang iba’t-ibang sektor sa lalawigan ng Apayao.

Inihayag ng mga Rizaleños sa Rizal, Kalinga ang mahigpit nilang pagtutol sa mga aktibidad ng CPP/NPA/NDFP sa pamamagitan ng kanilang pagsunog sa mga effiges at bandila ng mga komunista lalo na ang larawan ni Sison.