-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Inaasahang mas uunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Sadanga, Mountain Province sa pamamagitan ng Heirloom Rice Processing and Marketing Enterprise subproject.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), makikinabang sa subproject ang Anabel-Sadanga Multipurpose Cooperative (ASMPC).
Ipapasamakamay sa mga magsasaka ang rice mill, hauling track at puhunan na P426,000.
Ayon sa ahensya, gagamitin ang nasabing halaga sa pagbili ng palay na produkto ng mga myembro ng kooperatiba.
Inilaan ang P9.16 million na pondo para sa enterprise sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP) ng DA.
Itatayo ang isang processing center sa Anabel, Sadanga na magsisilbing trading center ng heirloom rice.