![image 191](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/09/image-191.png)
Inilatag na ng Department of Public Works and Highways(DPWH) ang ibat-ibang mga kaparaanan para ma-kontrol ang mga pagbaha na palagiang naitatala sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay DPWH Sec. Manuel Bonoan, Ilang mga istraktura na ang kanilang inihanay na inaasahang tutugon sa sunod-sunod na mga pagbaha.
Kinabibilangan ito ng mga impounding area sa mga river basin, water reservoirs, at malalaking flood control structures.
Ang mga naturang proyekto ay inaasahan ding magagamit ng pamahalaan para sa pag-iipon ng tubig, na maaaring magamit sa mga pnahon ng tag-tuyot, kasama na sa panahon ng El Nino.
Sinabi ng kalihim na mayroong 18 major river basin sa bansa na siyang pangunahing target na pagtayuan ng mga impounding project.
Ilan dito ay nakahanay na habang ang ilan ay nasimulan na rin.
Maliban dito, nakahanay din umano ang rehabilitation program sa ibat ibang mga flood control structure sa bansa.
Ayon kay Sec. Bonoan, ang mga nasabing proyekto ay bilang tugon na rin sa naunang kautusan noon ni PBBM na pagbuo ng mga bagong flood control structures at iba pang mitigating project bilang tugon sa lumalalang epekto ng climate change sa bansa.