Kasado na ang mga kilos protesta sa Maynila kasabay ng paggunita sa Labor Day bukas, May 1.
Sasalubungin ito ng isang press conference na pangungunahan ng mga lider mula sa iba’t-ibang labor group dakong alas-6:00 ng umaga sa kanto ng Mendiola
Matapos nito ay tutulak naman ang mga grupo sa Plaza Miranda sa Quiapo at magtatapos sa isang programa sa Liwasang Bonifacio.
Ayon sa Bukluran ng mga Manggagawang Pilipino inaasahang libo-libong empleyado mula sa kapwa pribado at pampublikong sector ang magti-tipon sa kanilang inilatag na programa.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Julius Cainglet, vice president ng Federation of Freedom Workers, na sesentro muli sa contractualization at hiling na taas sahod ang kanilang protesta bukas.
Kinontra rin nito ang mga kumukwestyon sa panawagang national minimum wage
Kung maaalala, Nobyembre noong nakaraang taon nang magkasundo ang Department of Labor and Employment na magpataw ng P25 na umento sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Nitong nakaraang linggo naman nang muling umapela ang TUCP sa kagawaran para sa panibagong dagdag sa sahod ng mga manggagawa.