-- Advertisements --

TAGALOG VERSION – Nakumpiska ng mga otoridad ang ibat’at klase ng baril, bala at magazine sa isinagawang magkahiwalay na search warrant operation sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Ito ang ipinaalam ni PMaj. Vencioly Luzano, ang hepe ng PNP-Pasuquin.

Ayon kay Luzano, unang naisagawa ang operasyon sa Brgy. San Juan sa nasabing bayan partikular sa bahay ng subject na kinilalang si Celwin Vincent Butac.

Sinabi nito na sa narekobre sa loob ng bahay ng suspek ang homemade calibre 9mm, magazine para sa calibre 30 rifle, isang long at short magazine ng M16 rifle.

Aniya kabilang dito ang dalawang kahon na naglalaman ng 30 a bala ng calibre 45, apat na bala ng calibre 22, 36 bala ng calibre 9mm at pitong bala ng calibre M16 rifle.

Una rito, ipinaalam ni Luzano na nailabas ang search warrant sa pamamagitan ni Judge Richard Balucusio ng 2nd Municipal Trial Court Pasuquin Burgos matapos makatanggap ng mga report kaugnay sa pagkakaroon ng armas ng suspek.

Samantala, inihayag ni Luzano na ang isinagawang operasyon sa Brgy. Carusikis partikular sa bahay ng suspek na si Erwin Adredo y Calzada ay narekobre ang iba’t-ibang klase ng bala at magazine.

Aniya, nakumpiska ang dalawan magazine ng carbine rifle, 20 bala ng calibre 30, isang plastic magazine ng m16 rifle na naglalaman ng anim na bala at isang case ng salamin at naglalaman ng dalawang bala ng shotgun.