-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Mas lalago pa ang larangan ng agrikultura sa probinsya ng Cotabato sa iba’t ibang klase ng hybrid rice na ibinida ngayon ng Philrice sa bayan ng Midsayap.

Sa ginanap na Farm Walk activity sa PhilRice-Midsayap,

kabilang sa mga hybrid rice varieties na itinampok ang PHB 79, Bigante, Habilis, SL 8H, SL 12H, SL 19H, Hyvar, US88, TH 82, Batari, Longping 534, Longping 2096, Mestiso 20, Kimbee, at NSIC Rc 222 na isang inbred rice variety.

Layon ng aktibidad na mapakita sa mga magsasaka ang performance ng iba’t-ibang mga klase ng hybrid rice na angkop sa klima at kondisyon ng probinsya ng Cotabato.

Nanguna sa aktibidad ang Department of Agriculture o DA XII na dinaluhan ng mga magsasaka, irrigators’ associations, hybrid private companies, at mga bisita mula sa iba pang ahensya ng gobyerno.