-- Advertisements --

LAOAG CITY – Labis ang tuwa ng mga residente sa Brgy. Dipilat bayan ng Vintar dahil sa tila pagbuhos ng iba’t-ibang klase ng isda sa nanuyong ilog sa nasabing barangay.

Ayon kay Brgy. Chairman Nick Foronda, nagsimula ang pagpapakita ng mga isda ng mawalan ng tubig ang ilang bahagi ng kanilang nasasakupang ilog.

Sinabi ni Foronda na dahil ditoy ay dinumog ng kaniyang mga kabaranggay ang lugar upang mamulot ng isda.

Aniya, bultong kilo ng iba’t-ibang klase ng isda ang naiuwi ng bawat residente kung saan karamihan ditoy ang bukto o ang tinawagang na gold fish dahil sa mahal na presyo nito kasama ng ssugpo at iba pa.

Kaugnay nito, ipinaalam ni Foronda na hindi ito ang unang taon na maglabasan ang mga isda sa natuyong ilog at karaniwang nararanasan ito ng lugar kapag dumadating ang summer season kung saan ang tubing ay dumidiretso sa katabing bislak river.