-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Matagumpay ang pagbubukas ng Baguio Enchanting Christmas nitong Linggo.
Pormal na nabuksan sa publiko ang Baguio Christmas Fair kung saan naging tampok ang Philippine Philharmonic Orchestra.
Naitayo ang 24 stalls sa Rose Garden na bahagi ng Burnham Park at dito matutunghayan ang iba’t-ibang konsepto sa pagdiriwang ng Pasko.
Nakabukas sa publiko ang mga stalls sa loob ng 40 araw.
Inaabangan na ang Grand Launching ng Enchanting Baguio Christmas sa Disyembre Uno sa pamamagitan ng Children’s Mardi Gras at ang lighting ng Baguio Christmas Tree, Lantern Parade sa Session Road, Sounds and Lights Show sa Malcom Square at ang Fireworks Display.
Nagbigay si Baguio City Mayor Benjamin Magalong ng welcome remarks sa pagbubukas ng programa.