-- Advertisements --

Binabalangkas na ng iba’t-ibang local government units (LGU) kung ano ang maaring ipataw na kaparusahan sa mga mahuling hindi nagsusuot ng kanilang mga face shields.

Sa lungsod ng Navotas ay pinag-uusapan pa ng mga local na opisyal ang maaring ipataw habang sa lungsod ng Marikina ay maaaring patawan ng community services ang mga lalabag.

Habang sa lungsod ng Valenzuela ay plano ng mga opisyal doon na magpataw ng multa sa mga lalabag ng walang face shield.

Magugunitang ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases na bukod sa pagsusuot ng face mask ay dapat mayroong suot na rin ng face shield ang mga mamamayan na lalabas sa kanilang kabahayan.