Magkakahalong reaksyon mula sa iba’t-ibang lider ng bansa matapos na kumpirmahin ng Israel na kanilang napatay ang lider ng Hamas na si Yahya Sinwar.
Sinabi ni French President Emmanuel Macron na dahil napatay na ang Hamas leader ay marapat na mapakawalan na ang bihag ng mga Hamas.
Sinabi naman ni Italian Foreign Minister Antonio Tajani na maituturing lamang na ipinagtanggol ng Israel ang kanilang sarili sa pagkasawi ng Hamas leader.
Ikinatuwa naman ni German Foreign Minister Annalena Baerbock ang insidente kung saan marapat na isulong na ang usaping pangkapayapaan.
Itinuturing ng US na nakamit na ng Israel ang hustisya sa pagkamatay ng Hamas leader.
Sinabi ni US Vice President Kamala Harris na may mga Americans na ang napatay ang Hamas lider.
Magugunitang napatay ng Israel si Sinwar sa isinagawa nilang military operations sa Gaza.
Si Sinwar ang itinuturong nasa likod ng October 7 attack sa Israel.