Inihayag ni Armed Forces of the Philippines, Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na maraming mga bansa ang nagpahayag ng suporta sa Pilipinas at kahandaang tumulong sa ating bansa kaugnay sa mga isyu sa West Philippine Sea.
Ito ang ibinalita ng pinuno ng Hukbong Sandatahan kasunod ng kaniyang pakikipagpulong sa kaniyang mga Foreign counterpart sa sidelines ng 2024 Shangri-La Dialogue sa Singapore.
Aniya, maraming mga bansa na lumahok din sa naturang aktibidad ang nagpahayag ng kagustuhan na makipag pulong sa Pilipinas hinggil sa nasabing usapin.
Bagay na nakakatawa aniya sapagkat nangangahulugan lamang ito na maraming mga bansa mula sa iba’t-ibang panig ng daigdig ang interesadong tumulong at magbigay ng Assistance at suporta sa Pilipinas kaugnay sa mga banta at pagsubok na kinakaharap ngayon ng bansa sa naturang pinag-aagawang bahagi ng karagatan.
Ayon kay Gen. Brawner malaki rin aniya ang kaniyang ikinagulat na maging ang mga European countries ay nagpahayag din ng interes ukol dito.
Maaari aniyang magpaabot ng Assistance ang naturang mga bansa sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga joint exercises, training, at joint operation kasama ang ating bansa.
Samantala bukod dito ay Inihayag din ni Brawner na maaari rin aniyang tumulong ang mga ito sa pag de-develop pa sa military capacity ng ating bansa.