Inilatag na ng iba’t ibang mga barangay at ng Local Government Units ang kanilang mga isasagawang mga aktibidad bilang selebrasyon ng Nutrition Month sa darating na Hulyo.
Ito ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo, alinsunod sa Proclamation No. 491 s. 1974 na piniramahan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ngayong 2024, ito ay ilulunsad na may temang “Sa Philippine Plan of Action for Nutrition, sama-sama sa nutrisyon sapat para sa lahat”.
Ang nasabing Buwan ng Nutrisyon ay may layuning itaas ang kamalayan ng publiko sa tamang nutrisyon, mapabuti ang kanilang kalusugan, mahikayat sila na kumain ng masustansyang pagkain at upang malabanan ang malnutrisyon na nararanasan ng ilan nating mga kababayan.
Habang mayroon namang inihandang mga feeding program, deworming and nutrition counseling, seminars, cooking demos at culminating activities ang nasabing lokal na pamahalaan.
May inilunsad din silang mga patimpalak na naka angkla naman sa nasabing tema upang makalahok at maipamalas din ang kahusayan ng kanilang mga residente.
Sa ngayon ay patuloy daw ang kanilang pagkakasa ng mga meeting upang matagumpay na maisakatuparan ang nasabing mga programa.