Nag a-alok ang iba’t ibang mga Local Government Unit ng mga libreng medical mission at operation libreng tuli sa kanilang mga barangay ng lungsod.
Sa tulong ng mga kawani ng LGUs isasagawa ng grupo ng mga doktor, nurses, at iba pang medical personnel ang naturang programa.
Habang pagkatapos naman ng pagtutuli ay binibigyan ng mga lokal na pamahalaan ang mga ito ng kumpletong antibiotic at pain reliever para masigurong maghihilom ang kanilang mga sugat gayundin ang pagbibigay nito gabay para sa tamang pangangalaga matapos ang pagtutuli.
Habang pinapaalalahanan ang mga bata na siguraduhing nakakain muna bago sumailalim sa operasyon at magbaon ng mga biscuit at tubig upang maiwasan ang pagkahilo.
Samantala, nagsasagawa rin ang mga LGU ng screening bago ang schedule ng tuli upang mabigyan ng tamang payo at preparasyon ang mga bata kasabay ang pag aabot nito ng consent form sa mga pasyente na kinakailangang lagdaan ng kanilang magulang.