ILOILO CITY – Kagaya sa Pilipinas, ginugunita rin ng mga overseas Filipino workers (OFW) ang Biyernes Santo sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo International Correspondent Josel Palma direkta sa Japan, sinabi nito na may ginaganap rin na prusisyon sa kanilang bansa.
Mayroon din anyang siete palabras sa mga simabahan sa Japan kung saan dinadaluhan ito hindi lang ng mga Pinoy kundi maging ang mga ibat’ ibang nationalities kagaya ng Nigerians, Americans at mga Japanese.
Samantala, ayon naman kay Bombo International Correspondent Mercy Saavedra Cacan direkta sa Singapore, sinabi nitong isang public holiday ang Biyernes Santo sa kanilang bansa.
Ayon kay Cacan, may isasagawa ring prusisyon sa kanilang bansa na dinadaluhan ng mga OFW.
Maliban dito, isinasagawa rin ang pag-aayuno ng mga Katoliko sa Singapore.