Nagsama-sama ang mga lider ng iba’t ibang partido politikal sa Kamara de Representantes upang ihayag ang kanilang pagsuporta sa peace initiative ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa mga mambabatas ang mga hakbang na ginagawa ni Pangulong Marcos ay isang “historic move” at malaking hakbang upang maabot ang inaasam na kapayapaan at pag-unlad ng bansa.
Ayon kay Velasco kasama sa mga nagpahayag ng suporta sa peace initiative ng Pangulo sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, at Agusan del Norte Rep. Jose “Joboy” S. Aquino II ng Lakas-Christian Muslim Democrats; Rizal Rep. Michael John R. Duavit, Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan, at Quezon Rep. Mark Enverga ng Nationalist People’s Coalition (NPC); Las Piñas City Rep. Camille Villar, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, at Romblon Rep Eleandro Jesus “Budoy” Madrona ng Nacionalista Party (NP); Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Antipolo City Rep. Robbie Puno, at Bataan Rep. Albert Garcia ng National Unity Party (NUP); Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan, at Barangay Health & Wellness (BHW) Partylist Rep. Angelica Natasha Co ng Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI); at Navotas Rep. Toby Tiangco ng Partido Navoteño at iba pang kinatawan ng iba pang partido politikal ng Kamara.
Kinikilala din ng ibat ibang partido ang magkakaibang pananaw at ideolohiya sa loob ng hanay, ngunit naninindigan sa pangako na higit na kabutihan ng Pilipinas ang kanilang inaasam-asam.
Hinihimok din nito ang lahat ng Pilipino na makiisa sa marangal na gawaing ito.