ILOILO CITY – Buhos na ngayon ang mga deboto sa iba’t ibang pilgrimage site sa Western Visayas.
Dinarayo na sa ngayon ng mga deboto ang Balaan Bukid sa Jordan Guimaras kung saan gaganapin ang taunang station of the cross at pagtaltal o pagpapako kay Hesus sa krus.
Samantala, dinarayo rin ng mga lokal at turistang deboto ang pilgrimage site sa Iloilo na kinabibilangan ng bayan ng Leon,Barotac Viejo, Pototan.
Buhos na rin ang mga deboto sa Agony Hill sa bayan ng Alimodian, Iloilo kung saan makikita ang station of the cross.
Maliban dito, pinupuntahan rin ng mga deboto ang Garin Farm sa San Joaquin Iloilo na sikat ding pinupuntahan ang pilgrimage area na makikita ang paglikha ng mundo hanggang sa muling pagkabuhay ni Hesukristo.
Samantala nananawagan naman ang mga lokal na opisyal ng mga pilgrimage site sa mga deboto na magsuot ng nararapat o angkop na kasuotan at iwasan ang pagsuot ng sleeveless, spaghetti straps, tube at transparent pants.
Ayon naman kay Alimodian Mayor Geefre “Kalay” Alonsabe, nararapat na respetuhin ng mga bibisita sa Agony Hill ang naturang pook kung saan isinagagawa ang pagninilay sa pasyon ni Hesus upang maisalba ang mundo sa kasalanan.