-- Advertisements --

Iba’t ibang Pinoy food and delicacies, itatampok sa Ph Food Fest sa Belgium

Excited na ang mga Pinoy sa Belgium sa isasagawang Philippine Food Festival sa Brussels sa Abril 2, 2023.

Ayon kay Bombo Rey Silao Borra, international correspondent sa Brussels at co-organizer ng naturang festival, sinabi nito na ito na ang pangatlong taon ng festivity o ang pag-showcase ng Pinoy dishes na instant hit maging sa mga Belgians.

Ibibida ang mga pagkain na sikat sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas kagaya ng Lapaz Batchoy at ang Filipino pork soup na Kadyos-Baboy-Langka na popular naman sa Iloilo.

Ayon pa kay Silao, tinatayang nasa 3,000 na mga Pinoy mula sa Europa ang dadayo para sa one-day event kung saan tampok ang 20 na mga kiosko mula Belgium at
The Netherlands.

Inaasahan rin ang pagpunta ni Philippine Ambassador to Kingdom of Belgium Jaime Victor Badillo Leda.