TUGUEGARAO CITY – Patuloy ang pagtulong sa search, rescue and retrieval operations, ng 15 rescue teams mula sa Northern Luzon Command sa Pampanga kasunod ng 6.1 magnitude na lindol na tumama kahapon.
Sinabi ni Major Ericson Bulusan, tagapagsalita ng Northern Luzon Command (NOLCOM), naka-focus ang kanilang operasyon sa bayan ng Porac kung saan may gumuhong supermarket dahil sa lindol.
Ayon sa NOLCOM spokesperson, mayroong 20 nawawala dahil sa pagyanig at kinukumpirma na nila ang ulat na may isang bata na namatay matapos umanong madaganan ng boulder o mga bato sa San Marcelino, Zambales.
Sa ngayon ay unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon sa ilang bahagi ng Pampanga at karatig lalawigan na nakaranas din ng pagyanig.
katunayan ay naibalik na aniya ang supply ng kuryente at signal ng komunikasyon sa ilang lugar.