-- Advertisements --
Inatasan ng International Boxing Federation (IBF) si Saul ‘Canelo’ Alvarez ang mandatory na pagharap niya kay Sergiy Derevyanchenko.
Binigyan ng IBF ang dalawang kampo ng hanggang 30 araw para pag-usapan ang nasabing laban.
Pumayag ang IBF noon na magkaroon ng rematch sina Alvarez at Golovkin sa kondisyon na ang mananalo ay makakaharap si Derevyanchenko.
Ang nasabing laban ay na-plantsa na noong 2017 subalit nasuspendi si Canelo dahil sa pagpositibo sa substance na Clenbuterol.
May record ang 33-anyos na Ukrainian boxer na 13 panalo-1 talo at 10 knockouts habang si Alvarez ay may record na 52 panalo, isang talo, dalawang draw na may 35 knockouts.