-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Kapwa hindi sang-ayon sina International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight champion Jerwin Ancajas at Coach Joven Jimenez sa rematch nina fighting Senator Manny Pacquiao at Keith Thurman matapos ang kanilang laban nitong Linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Jimenez mula sa Las Vegas, iginiit nitong wala nang dapat patunayan ang 40-year-old Pinoy ring icon.

Katunayan aniya, dapat unanimous decision ang panalo ni Pacquiao at hindi via split decision dahil halata namang tumatakbo-takbo lamang si Thurman upang masagad ang 12 rounds.

Ayon kay Jimenez, pinagbigyan lamang ni Pacman ang 30-year-old Americam boxer upang hindi matumba.

Sumang-ayon naman si Ancajas sa kanyang coach at kanyang iminungkahi na mas mabuting maghahanap nalang ng ibang kalaban ang fighting senator.

Ayon sa Dabaweño boxer, reresptuhin din nito ang kanyang idolo kung sasabak siya ulit sa ring dahil makakaya pa naman nitong lumaban.

Sa performance ni Pacquiao kahapon ayon kay Ancajas, walang pagbabago sa stamina at speed nito sa kabila ng kanyang edad.

Nabatid na si Manny ang modelo at inspirasyon ni Ancajas sa kanyang mga laban at sinusuportahan din ito ng fighting senator.

Sa katunayan, ang kanilang ticket sa MGM Grand Arena ay nilibre ni Pacquiao at sila ay pumwesto malapit sa ring.

Ilang araw bago ang Pacquiao-Thurman fight, binisita ni Ancajas si Pacquiao sa kanyang hotel room upang makapag-goodluck wish.