BACOLOD CITY – Mamimigay ng libreng bisikleta ang Philippine Olympic Committe bilang tugon sa pangangailangan ng mga national athletes sa pang araw-araw na transportasyon upang makapag training sa panahon ng pandemic.
Pinangunahan ito ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino at kabuuang 100 na bisikleta ang nakatakdang ipamigay kung saan dadaanin ito sa “first come, first serve” basis.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay PhilCycling director Jun Lomibao, malaking tulong ito lalo na sa mga nangangailang atleta upang hindi makadagdag sa alinlangan nila kapag tutungo sa gym para mag-ensayo.
Tulong din aniya ito sa kanila sa pagharap sa “new normal” dahil ang bisikleta ang pangunahing transportasyon sa bansa sa mga susunod na araw ngayong panahon ng Pandemic.
Isa ring pinakamabisang paraan ang pagbibisekleta upang manatiling malusog ang pangangatawan at makaiwas sa iba’t ibang sakit, dahil isa din itong paraan ng pag-ehersisyo.