Magtatatag umano ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) ng isang P25-million Lawyers Security and Justice Fund upang magbigay ng pabuya at suporta sa mga witness sa pag-usig sa mga suspek sa pagpatay sa mga abugado.
Ang hakbang na ito ng IBP ay kasunod na rin ng pamamaslang sa isang abugado nitong nakalipas na linggo.
Sa isang pahayag, sinabi ni IBP president Domingo Cayosa na lalagda sila ng Memorandum of Understanding on Lawyer Security kasama ang PNP ngayong araw.
“IBP goes beyond condemning attacks against its members. Families of slain lawyers, regardless of their status or stature, can avail of IBP free legal aid. We personally and directly comfort the bereaved families,” wika ni Cayosa.
Nitong Biyernes nang binaril-patay ang 73-anyos na si Atty. Bayani Dalangin sa kanyang opisina sa Talavera, Nueva Ecija ng hindi pa natutukoy na suspek.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang IBP sa pamilya ni Dalangin, na dating nagsilbi sa Public Attorney’s Office at naging isa ring law professor.
“His death dramatizes the risks that workers in the justice sector face and the tragic trend of violence and impunity in our country,” ani Cayosa.
“While we urge lawyers to courageously do their job and act within the ethical norms of the legal profession, we ask that our government will its work: identify the criminals, relentlessly pursue and hold them accountable sooner than later.”