-- Advertisements --

CEBU CITY- Kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Cebu Chapter ang pag-ambush sa isa mga high profile lawyer ng Cebu na si Atty. Inocencio Dela Cerna pasado alas 9 ng umaga nitong Lunes, Setyembre 2 sa labas ng Cebu City Hall of Justice.

Sa inilabas na statement ng IBP, inilahad nito na ang pag-ambush kay Atty. Dela Cerna ang hindi lang pagpang-atake ng isang ‘officer in court’ kundi isa rin itong pagpang-atake sa ‘rule of law’ at sa mga Cebuano.

Ngunit, iginiit pa rin ng IBP na bilang mga abogado, magpapatuloy ang kanilang trabaho bilang tagapag protekta ng batas at hustisya sa lipunan.