-- Advertisements --

CEBU CITY – Nanatiling blangko ang mga otoridad kung sinong suspek ang nang-ambush kay Atty. Karen Quiñanola-Gonzales at sa kanyang 19-anyos na lalaki sa Barangay Subangdaku, Mandaue City noong Huwebes ng gabi, Setyembre 1.

Nabatid na si Quiñanola-Gonzales ay nagtatrabaho sa Cebu Port Authority (CPA).

Samantala, alinsunod sa rule of law month, naglabas ng pahayag ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) Cebu City Chapter, na nag-aalok ng P50,000 na pabuya para sa mga makapagbibigay ng impormasyon sa nasa likod ng pananambang kay Atty. Quiñanola-Gonzales.

Aktibong lalahok sa pagsisiyasat ang mga miyembro ng security committee na gagawin ng law enforcement authorities.

Nanawagan ito ng agarang hustisya laban sa lahat ng nananakit at sumisira sa kabutihang panlahat.

Hinihimok din ang lahat na magtulungan para protektahan ang karapatan ng bawat tao at tiyakin ang kaligtasan ng komunidad.