Idinipensa ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagbibigay nila ng panahon kay Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, nang humarap kanina sa kanilang tanggapan.
Ayon kay IBP president Atty. Abdiel Fajardo, bahagi ng kanilang trabaho na tulungan ang sinumang indibidwal na walang kakayahang kumuha ng pribadong abogado sa mga kasong kinakaharap nito.
Sinabi ni Fajardo na qualified naman si Advincula kung titingnan economic status nito na walang trabaho at nagtatago.
Tiniyak din nitong dadaan sa berepikasyon ang mga sinasabi ng lumutang na personalidad.
Aniya, mahalagang mapatunayan muna ang identity ng isang tao at kung anong mga ebidensya ang hawak nito para sa partikular na rason ng kaniyang paglantad.
Matatandaang naging kontrobersyal ang video ni Bikoy dahil sa pagdawit sa mga kaanak at mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng iligal na droga.