TUGUEGARAO CITY – Maging ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) ay nagpupugay sa mga nagawa ng yumaong si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel.
Sinabi ni IBP Pres. Atty. Egon Cayosa na maraming nagawa si Pimentel sa pagsusulong ng rule of law, karapatang pantao, good governance at bilang isang politiko.
Ayon pa kay Cayosa, maraming beses na rin niyang nakasama si Pimentel sa mga pagdinig sa Senado at sa mga pulong ng Consultative Committee na nag-aral sa pagbabago sa 1987 constituion para sa Federalism at sa iba pang aktibidad na may kaugnayan sa usaping legal.
“Very passionate” aniya si Pimentel sa kanyang mga pananaw sa mga isyu kaya naman nagpapahayag din siya ng pagkadismaya sa mabagal na pagbabago sa ating bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni Cayosa na nakikipag-ugnayan na ang IBP sa pamilya ni Pimentel para sa protocols sa gagawing tribute.
Ayon sa kanya, magkakaroon sila ng necrological service para kay Pimentel tulad nang ginawa sa yumaong si dating Senate President Edgardo Angara.
Sina Pimentel at Angara ay kapwa miyembro ng IBP noong sila ay nabubuhay pa.