-- Advertisements --
Egon Cayuso
IBP President Egon Cayuso/ FB image

CAUAYAN CITY – Karapatan o prerogative ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magtalaga at tanggalin ang kanyang ini-appoint kung sa tingin niya ay hindi sila magkatugma.

Ito ang reaction ni IBP National President Domingo “Egon” Cayosa sa pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.

Sa naging panayam ng Bombo radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Cayosa na iginalang nila ang naging hakbang ng Pangulo.

Ang dapat gawin ay pag-aralang mabuti ang iba pang approach sa giyera laban sa droga.

Kailangan aniya ang fresh approach at iba pang mga paraan para mapaigting pa ang kampanya laban sa droga.

Bilang presidente ng IBP national chapter, sinabi ni Atty. Cayosa na miyembro siya ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Ang iba’t ibang chapter aniya ng IBP sa bansa ay tumutulong sa kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pagbibigay ng lecture sa mga mag-aaral sa high school at kolehiyo.

Itinuturo nila sa mga estudiyante ang batas sa illegal na droga at ang consequence o resulta kapag nalabag ang batas.

Proactive ang approach ng IBP dahil kailangan aniyang mabigyan ng impormasyon ang mga kabataan bago gawin ang aktibidad may kaugnayan sa illegal na droga.

Kailangan na maintindihan ng mga kabataan kung ano batas sa illegal na droga, kung ano ang kanilang karapatan, ang kanilang obligasyon at bakit dapat iwasan ang droga.