Hinikayat ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang Department of Health (DOH) sa naging audit finding ng Commission on Audit (COA) na P167 bilyon na pondo para sa COVID-19 response.
Ayon sa COA na layunin ng COA na magpatupad ng good governance at maiparating sa mga tao na napupunta sa tama ang mga pera.
Mayroon aniyang ekslusibong otoridad ang COA na magsagawa ng paraan para harangin ang mga magarbo at labis na paggastos ng isang ahensiya.
Naniniwala din ang IBP na walang anumang malisya ang COA report dahil ibinase nila ang kanilang report sa record ng gobyerno.
Samantala hihintayin naman ng Task Force against Corruption ng Department of Justice (DOJ) at ang Office of the Ombudsman ang kasagutan ng DOH sa audit findings ng COA bago sila magsagawa ng imbestigasyon.