-- Advertisements --

Pormal nang nagsampa ang Kabalikat Party-list ng disbarment complaint sa Supreme Court (SC)-Office of the Bar Confidant laban kina Integrated Bar of the Philippines (IBP) National President Abdiel Dan Elijah Fajardo at IBP incoming President Domingo Cayosa.

Ito ay kasunod na rin ng sinasabing paggamit sa resources ng IBP at ang tanggapan mismo nito sa ginawang press conference noong Lunes para kay Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.

Partikular anilang nalabag nina Fajardo at Cayosa ang Code of Professional Responsibility.

Taliwas din anila sa misyon ng IBP ang ginawa ng dalawang abogado lalo nat nagbitaw si Advincula ng seditious words sa nasabing press conference.

Ang IBP anila ay nasa ilalim ng supervision at kontrol ng SC at sa taong ito ay tumanggap ito ng P100 na pondo mula sa Kongreso sa pamamagitan ng Korte Suprema.

Una nang nanawagan si Solicitor General Jose Calida kay Atty. Fajardo na magbitiw na bilang pangulo ng IBP habang kinundena rin ng IBP Davao Chapter ang ginawa ng kanilang national officials.