Humihirit din ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na isama na rin na mauuna sa pagbabakuna ang mga abogado sa sa bansa.
Sa sulat ni Atty Domingo Cayosa kay vaccine czar Carlito Galvez, ipinaliwanag nito kung bakit matatawag din na legal frontliners ang mga abogado.
Aniya, ang mga officers of the court ay tumutulong hindi lamang sa pagpapalaganap sa mga batas na may kinalaman sa pandemaya kundi essential din sila sa pag-usad ng hustisya sa bansa.
Kung tutuusin aniya, maituturing din na mga “spreaders” ang physcial contact ng mga abogado at kliyente nito, tulad din sa mga korte.
marami na rin daw mga practising lawyers, prosecutors at judges ang pumanaw na dahil din sa deadly virus.
Kasabay nito nakiusap si Atty Cayosa sa IATF na sana ilagay na rin sa priority population group na A4 ang mga abogado para sa vaccination program.