-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Welcome para sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagkakatalaga ni Associate Justice Alexander Gesmundo bilang ika-27th Chief Justice ng Supreme Court

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Cayosa, Presidente ng IBP, sinabi niya na matagal na nagsilbi sa pamahalaan ng Pilipinas si Chief Justice Gesmundo na unang naging Associaite Justice ng SandiganBayan.

Anya ang mga karanasan bilang Associate Justice ang makakatulong sa kanya bilang lider ng sangay ng hudikatura.

Pinuri rin ni Atty. Cayosa ang naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa agarang pag-aksyon at pagtatalaga ng bagong punong mahistrado ilang araw matapos magretiro si dating Chief Justice Diosdado Peralta.

Umaasa ang IBP na makakasama nila si Chief Justice Gesmundo sa pagsusulong ng justice bilis sa bansa na inaasahang magiging proactive para mapaganda ang judicial process sa pagsusulong ng seguridad ng mga abogado at hukom sa bansa.

Ayon kay Atty. Cayosa, umaasa rin sila na matitityak na makakamit ng hustisya para sa mga nasawing abogado at huwes.

Maituturing na isa sa malaking hamon ngayon para sa bagong punong mahistrado ang mabagal na justice system sa bansa na dahilan kung bakit hindi takot sa batas ang mga mamamatay tao.

Inihalimbawa niya ang kaso ng mga pagpatay sa bansa na sampung bahagdan lamang sa mga pinaghihinalaan ang nahuhuli, limang bahagdan ang nasasampahan ng kaso at iilan lamang ang napaparusahan.