-- Advertisements --

Hiniling ni International Criminal Court (ICC) Chief Prosecutor Karim Khan ang paglabas ng arrest warrant laban sa military leader ng Myanmar na si Senior Gen. Min Aung Hlaing.

Si Hlaing ay inakusahang nanguna sa kampaniya para sa deportation, persecution, at bayolenteng pag-atake sa halos isang milyong Rohingya fighter.

Unang inagaw ng military general ang kapangyarihan mula kay Myanmar legend Aung San Suu Kyi noong 2021 sa pamamagitan ng isang kudeta.

Dahil sa panunupil at ginawang pag-uusig sa mga Rohingya members, napilitang lumikas ang mga ito sa Bangladesh, isa sa mga katabing bansa ng Myanmar.

Ang giyerang pinangunahan ni Hlaing ay tinawag bilang ‘ethnic cleansing campaign’ kung saan maliban sa mga pinalayas ay marami rin ang umano’y nasawi sa ilalim ng kampaniya.

Ang Myanmar ay hindi miyembro ng ICC.

Gayunpaman, maaari pa ring imbestigahan ng international body ang mga krimen na nangyari sa mga Rohingya member na nasa Bangladesh kung saan napadpad ang karamihan sa kanila. Ito ay dahil sa ang Bangladesh ay bahagi ng ICC at saklaw pa rin ng mga imbestigasyon ng ICC.

Ayon kay ICC Prosecutor Khan, ang isinagawa nitong imbestigasyon ay pagpapakita na hindi kinakalimutan at pinapabayaan ang mga mamamayan na biktima ng karahasan ng kani-kanilang mga lider.