Pinaliwang ng International Criminal Court (ICC) na maaari silang magbibigay ng ‘reparations’ o danyos sa mga biktima ng krimen kapag napatunayan na nagkasala ang isang akusado.
Kabilang sa mga ‘reparations’ ang pagbibigay ng monetary compensation, rehabilitation, o medical support.
Ang mga ‘reparations’ o pagbibigay ng danyos ay maaaring ibigay sa mga biktima nang paisa-isa o bilang isang grupo.
Upang matiyak na mababayaran ang mga biktima, may kapangyarihan ang ICC na i-freeze ang mga ari-arian ng akusado habang ang kanilang paglilitis ay nagpapatuloy.
Kung hindi sapat ang mga ari-arian ng akusado para sa reparations, mayroong espesyal na pondo ang ICC na maaaring gamitin upang matulungan ang mga biktima.
‘In many cases, the impact of the crime can be immense, and the guilty person doesn’t have enough financial resources to compensate for the potentially large number of victims,’ paliwanag ng ICC.
Kaya naman, nagsanib ang mga bansa upang magtayo ng isang trust fund para sa mga biktima, na pinopondohan ng gamit ang voluntary contributions, upang matulungan ang pagpapatupad ng mga reparations.
Maalalang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay kasalukuyang nakaditene sa ICC detention facility sa The Hague, Netherlands, habang naghihintay ng paglilitis ukol sa mga kaso ng crimes against humanity kaugnay ng kanyang madugong ‘war on drugs’ sa bansa.