-- Advertisements --

Ipinahayag ng International Criminal Court (ICC) na nanatili ang kanilang posisyon hinggil sa jurisdiction ng Pilipinas sa mga krimen na ginawa bago pa man kumalas ang bansa sa Rome Statute.

Ayon kay ICC spokesperon Fadi El Abdallah, ang jurisdiction ng korte ay sumasaklaw sa mga krimen na ginawa mula noong 2011 hanggang 2019, taon kung kailan nag-withdraw ang gobyerno ng Pilipinas mula sa ICC.

Paliwanag pa ng tagapagsalita ng ICC ang legalidad ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nasa kamay na ng hukom ng ICC.

Dagdag pa niya na ang proseso ng pagsuko ng isang akusado sa ICC ay nakabatay sa mga batas ng bansa kung saan naroroon ang akusado.

Maalalang noong 2021, nagdesisyon ang Korte Suprema ng Pilipinas na kinakailangan makipagtulungan ang gobyerno sa anumang kasalukuyang mga pagdinig sa krimen na nangyari habang ang bansa ay kasapi pa ng Rome Statute.