Magdedesisyon na ngayon ang mga huwis ng International Criminal Court (ICC) kung sapat na ba ang ebidensiya para makapagpalabas na sila ng arrest warrants laban kina Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at Hamas’s leader sa Gaza na si Yahya Sinwar.
Kasunod ito sa rekomendasyon ni chief prosecutor of the International Criminal Court (ICC)Karim Khan KC na mayroong sapat na ebidensiya ito ng nakita sa war crime na ginawa ng magkabilang panig.
Kabilang na dapat aniya na arestuhin ay sina Israeli defence minister Yoav Gallant at Hamas’s political leader Ismail Haniyeh.
Tinawag naman ni Netanyahu na ang pahayag na ito ng ICC bilang nakakadismaya dahil ikinumpara nila ang Israel sa karumaldumal na ginawa ng mga Hamas na naghasik ng mga krimen.
Nadismaya naman ang Hamas na dapat ang warrant of arrest ay para kay Netanyahu lamang dahil sa maraming mga sibilyan na ang nasawi sa ginawang pag-atake nito sa Gaza.
Magugunitang inihayag ng ICC chief prosecutor na nakakita ito ng sapat na ebidensiya na dapat maaresto sina Netanyahu at ang mga Hamas dahil sa mga ginawa nilang krimen.