-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng International Criminal Court (ICC) na sila ay naglabas ng arrest warrant laban kay dating Pangulong Rodrigo Durterte.

Ito ay dahil umano sa crimes against humanity sa kasagsagan ng madugong giyera kontra droga.

Sinabi ni ICC spokesperson Fadi Abdullah, na kapag nasa kustodiya na nila ang dating pangulo ay magsasagawa na sila ng schedule ng iniital appearance hearing.

Nitong umaga ng Martes ng inaresto ang dating pangulo pagdating nito sa bansa galing sa Hong Kong at pasado alas-11 ng gabi ng ilipad ito sa The Netherlands.