Sapat at may kalidad ang mga pasilidad sa loob ng International Criminal Court detention center para tugunan ang anumang pangangailangan ng mga naka-detene sa loob ng kulungan.
Ayon kay dating ICC Judge Raul Pangalangan, mayroong ‘excellent’ facilities ang ICC para tugunan ang pangangailangan ng sinuman, tulad ng medical o health emergencies.
Maging ang nakasanayan sa Pilipinas na pagpapadala sa mga VIP patients sa mga ospital ay akma rin sa sitwasyong alok ng ICC kung saan kalidad ang mga medical facilities sa loob.
Ayon kay Pangalangan, regular na rerepasuhin ng mga judges ang sitwasyon at kung may magbabago sa sitwasyon ng mga suspek, gumagawa ang mga ito ng akmang pagbabago.
Si Pangalangan ay dating nagsilbi bilang judge ng ICC at dating na-assign sa Trial Division mula March 11 2012 hanggang May 16, 2021.
Nagsilbi siyang President ng Trial Division noong 2019 at nagpatuloy hanggang 2021.