Nagbabala ang International Criminal Court (ICC) prosecutor laban sa anumang banta at intimidation sa gitna ng mga ulat na pagkabahala ng Israel sakaling mag-isyu ang tribunal ng arrest warrant kaugnay sa Gaza war.
Hindi naman binanggit ng ICC kung may kaugnayan ang komento nito sa isinasagawa nitong imbestigasyon sa posibleng war crimes ng Israel o Palestinian group na Hamas sa Gaza at sa West Bank.
Ayon sa opisina ni ICC chief prosecutor Karim Khan na mayroong kasarinlan at walang kinikilingan ang international at kapag ang pagbabanta umano ng mga indibdiwal na gumanti laban sa korte o laban sa court personnel kahit na hindi ito ginawa, maaari itong maging pagkakasala labana sa administration of Justice ng ICC kayat ibinabala at iniapela nito ang pagtigil ng naturang mga aktibidad.
Tumanggi namang sabihin ni Khan kung kanino nagmula ang naturang mga banta.
Base kasi sa report ng US at Israeli media, posibleng mag-isyu ang ICC prosecutor ng arrest warrant laban sa mga politiko ng Israel kabialang si Prime Minister Benjamin Netanyahu at sa Hamas leaders.
Una na kasing sinabi ni PM Netanyahu noong Miyerkules sa kaniyang online account na pinag-iisipan ng ICC na mag-isyu ng arrest warrant laban sa senior Israeli government at military officials bilang war criminals.
Napaulat din na nagbabala umano ang Israel sa US na gagawa ito ng retaliatory steps laban sa Palestinian Authority na maaaring humantong sa pagbagsak nito kapag nag-isyu ng arrest warrant ang ICC laban sa kanila.
Subalit ayon naman kay Gabriele Chlevickaite, researcher sa the Hague-based Asser Institute for international law, hindi target sa napaulat na retaliatory steps ng Israel ang ICC o ang Office of the Prosecutor.
Matatandaan na naglunsad ng imbestigasyon ang ICC noong 2021 laban sa Israel, Hamas at iba pang armadong Palestinian group sa posibleng war crimes sa okupadong Palestinian territories.